Tuesday, April 14, 2009

Pag-asa (composed on 04.14.09)

Sa buhay kong itong puno ng pagsubok
Iba't ibang dagok at kabiguan
Sa araw-araw na ginawa nalang
Tila kamalasan ang sumasalubong
Nagbago ng ika'y dumating saking buhay
Pagmamahal at saya sakin ang iyong ibinigay
.
Koro:
Nilagyan mo ng kulay ang aking buhay
Sa twina'y lagi nang umaalalay
Saking landas ikaw ang aking gabay
Kaya't buong buhay aking iaalay
.
Pagising sa umaga ikaw ang hanap
Ang makapiling ka siyang aking pangarap
Ikaw na nagbibigay sakin ng lakas,
Sa aking bangungot, saki'y nagpatakas
.
Koro
.
Ang sarap ng ganitong pakiramdam
Sa mga problema ay walang pakialam
Pagkat isang tawag lang ika'y nariyan na
Alam kong sayo'y mayron akong pag-asa
.
Koro2x

No comments:

Post a Comment