Tuesday, April 14, 2009

Pag-asa (composed on 04.14.09)

Sa buhay kong itong puno ng pagsubok
Iba't ibang dagok at kabiguan
Sa araw-araw na ginawa nalang
Tila kamalasan ang sumasalubong
Nagbago ng ika'y dumating saking buhay
Pagmamahal at saya sakin ang iyong ibinigay
.
Koro:
Nilagyan mo ng kulay ang aking buhay
Sa twina'y lagi nang umaalalay
Saking landas ikaw ang aking gabay
Kaya't buong buhay aking iaalay
.
Pagising sa umaga ikaw ang hanap
Ang makapiling ka siyang aking pangarap
Ikaw na nagbibigay sakin ng lakas,
Sa aking bangungot, saki'y nagpatakas
.
Koro
.
Ang sarap ng ganitong pakiramdam
Sa mga problema ay walang pakialam
Pagkat isang tawag lang ika'y nariyan na
Alam kong sayo'y mayron akong pag-asa
.
Koro2x

Ako'y Magbabalik

Ako'y nagkamali ng ika'y minsang saktan
'Di man tuluyang mabatid, lubos ng nagsisisi
Kung kaya't aking giliw, hindi na magiisa
Maghintay ka lamang
pagkat ako ay babalik
upang ipagtanggol ka
.
Koro:
Ako'y magbabalik ng kariktan mo'y masilayan
Aking sasariwain magagandang alaala,
Ika'y aking ipaglalaban
Hanggang sa aking kamatayan
Oh, ganyan kita kailangan
Aking minamahal
.
(not yet finish.composed on 09.17.08)

Dito sa Puso Ko

Sa bawat buhay may paglalakbay
May darating na pagsubok, yan ang totoo
Sa pagsikat ng gintong araw may bagong pagasa
At sa paglubog nito ay ikaw ang hanap
Aking sambit
.
Koro:
Ang pagibig mo ay kailangan ko
Pagmamahal na tunay, siyang nais ko
Nang saking paglisa'y may maiiwang alaala
at pabaon dito sa puso ko
.
(not yet finish. Composed on December 2007)

Happily Everafter

I dedicate this newly composed song of mine to all of my friends, especially to my SMB (Samahang May Buto) Barkada who've been always there in times of pain and trials. They are the persons who really never let me fall and they are always there to cheer me up and make me happy. This is a friendship song I entitled "Happily Everafter".
.
Happily Everafter
(composed on 04.11.09)
It all started in this ground
A new friendship we had found
A sweet memories of symphonies of laughters and of cries
Through exchange of smiles and hi
Though she don't know who am I
Now atleast I know her name
I can get off with my shame
.
And from that you became a big part of my life
You'll have a great part in my life
and I promise that I will cherish this forever
that noone can't stop us together
None of our dreams we'll never let it shatter
And we will live happily everafter

Ang Kuwento ng Nag-iisang Nagmamahal

Kung mayroon lamang akong mapagsasabihan ng nadarama ko ngayon, ilalabas ko ang hapdi at sakit na unti-unting lumalamon sa aking buong pagkatao.
.
Lahat tayo ay nilikha mula sa pag-ibig. Ang ating pananatili dito sa mundong ibabaw ay biyaya sa atin ng Dakilang Lumikha. Sa ating pananatili, pinili nating magpatuloy sa kanya-kanyang paglalakbay. Sa ating mahabang pakikibaka para mabuhay, may mga taong ipinapadala o kung ating tawagin ay mga instrumento ng Dios para tayo'y tulungang bumangon mula sa ating pagkakadapa at may ilan namang dumarating upang tayo'y pasakitan.
.
Sa buhay ng tao, darating ang pagkakataong magmamahal siya. Sinasabing ito ang kahinaan ng bawat isa. Sabi nga ng iba, ang magmahal at umibig ay isang sakit na kanilang iniiwasan. Maaring ilan lamang sila sa mga umibig ngunit sa kasamaang palad ay nasaktan sa bandang huli. Ilan lamang sila sa mga pusong nasugatan dala ng matinding kabiguan, sa mga bagay na nagbibigay sa kanila ng dahilan para katakutan ang muling buksan ang kanilang mga puso. Bakit marami parin sa atin ang nakapagsasabing at nagtatanung kung bakit kailangan nating masaktan gayong nagmamahal lamang tayo? Ganito ba talaga iginuhit sa ating mga palad ang ating mga kapalaran? May ilang tumatandang dalaga o binata at piniling mag-isang harapin ang kanilang mga buhay, may ilan namang dumaan na sa maraming relasyon ngunit hindi matagpuan ang pinto ng kaligayahan o masaklap ay ang nagmahal ng lubos, ibinigay ang lahat, nasaktan at kinitil ang sariling buhay sa pagaakalang katapusan na ng kanilang mundo, ngunit katapusan na nga ba?
.
Hindi ko rin alam ang kasagutan, magulo rin ang aking isip kung kaya't hindi ko rin alam ang aking dapat gawin. Kaya't ano ang ginagawa ng bolpen at papel, sabay ko itong kinuha at gumawa ako ng mga awitin. Mga awiting nagmumula sa aking puso na maghahayag ng aking mga damdamin.
.
Nagiisang Nagmamahal
(composed on o4.13.09)
.
Magmula ng tayo'y mga bata pa
Ika'y aking minamahal na
Araw-araw, gabi-gabi
Pagibig sayo'y 'di maisantabi
Kaya naman ngayong malaki na tayo
Lihim na pagsinta'y pagtatapat sa'yo
Sana'y ika'y 'di magbago
At 'wag sanang ika'y lalayo
.
Koro:
Ang puso ko'y alay sa'yo
Pag-ibig ko'y pakinggan mo
Nakikiusap, nagsusumamo
Na ang 'sang tulad ko'y mamahalin mo
Kahit ika'y malayo pa
Susuungin ang lahat makasama kalang
Gagawin ang lahat, lumigaya kalang
Kaya naman ako'y lilisan na't
Lilimutin ka't ang pangarap ko
Ang kuwento ng nagiisang nagmamahal
.
(to be continue...)