Kung mayroon lamang akong mapagsasabihan ng nadarama ko ngayon, ilalabas ko ang hapdi at sakit na unti-unting lumalamon sa aking buong pagkatao.
.
Lahat tayo ay nilikha mula sa pag-ibig. Ang ating pananatili dito sa mundong ibabaw ay biyaya sa atin ng Dakilang Lumikha. Sa ating pananatili, pinili nating magpatuloy sa kanya-kanyang paglalakbay. Sa ating mahabang pakikibaka para mabuhay, may mga taong ipinapadala o kung ating tawagin ay mga instrumento ng Dios para tayo'y tulungang bumangon mula sa ating pagkakadapa at may ilan namang dumarating upang tayo'y pasakitan.
.
Sa buhay ng tao, darating ang pagkakataong magmamahal siya. Sinasabing ito ang kahinaan ng bawat isa. Sabi nga ng iba, ang magmahal at umibig ay isang sakit na kanilang iniiwasan. Maaring ilan lamang sila sa mga umibig ngunit sa kasamaang palad ay nasaktan sa bandang huli. Ilan lamang sila sa mga pusong nasugatan dala ng matinding kabiguan, sa mga bagay na nagbibigay sa kanila ng dahilan para katakutan ang muling buksan ang kanilang mga puso. Bakit marami parin sa atin ang nakapagsasabing at nagtatanung kung bakit kailangan nating masaktan gayong nagmamahal lamang tayo? Ganito ba talaga iginuhit sa ating mga palad ang ating mga kapalaran? May ilang tumatandang dalaga o binata at piniling mag-isang harapin ang kanilang mga buhay, may ilan namang dumaan na sa maraming relasyon ngunit hindi matagpuan ang pinto ng kaligayahan o masaklap ay ang nagmahal ng lubos, ibinigay ang lahat, nasaktan at kinitil ang sariling buhay sa pagaakalang katapusan na ng kanilang mundo, ngunit katapusan na nga ba?

Hindi ko rin alam ang kasagutan, magulo rin ang aking isip kung kaya't hindi ko rin alam ang aking dapat gawin. Kaya't ano ang ginagawa ng bolpen at papel, sabay ko itong kinuha at gumawa ako ng mga awitin. Mga awiting nagmumula sa aking puso na maghahayag ng aking mga damdamin.
.
Nagiisang Nagmamahal
(composed on o4.13.09)
.
Magmula ng tayo'y mga bata pa
Ika'y aking minamahal na
Araw-araw, gabi-gabi
Pagibig sayo'y 'di maisantabi
Kaya naman ngayong malaki na tayo
Lihim na pagsinta'y pagtatapat sa'yo
Sana'y ika'y 'di magbago
At 'wag sanang ika'y lalayo
.
Koro:
Ang puso ko'y alay sa'yo
Pag-ibig ko'y pakinggan mo
Nakikiusap, nagsusumamo
Na ang 'sang tulad ko'y mamahalin mo
Kahit ika'y malayo pa
Susuungin ang lahat makasama kalang
Gagawin ang lahat, lumigaya kalang
Kaya naman ako'y lilisan na't
Lilimutin ka't ang pangarap ko
Ang kuwento ng nagiisang nagmamahal
.
(to be continue...)

No comments:
Post a Comment